Nanguna sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)

Regional Summit 2024 ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at LGU Gensan sa Lagao Gymnasium, General Santos City nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.

Ito ay may temang “Maximizing Opportunities for Reintegration Efforts” (MORE).

Nagbigay ng welcome address si Konsehal Richard Atendido, bilang kinatawan ni Mayor Lorelie Pacquiao.

Ayon sa kanya, ang lokal na pamahalaan ay patuloy na sumusuporta sa pagbabalik-loob ng mga dating rebelde upang makamit ang mas maayos na pamumuhay para sa kanila at sa kanilang mga pamilya.

Sa bahagi ng Ceremonial Awarding, ipinamahagi ang mga DILG-Administered Package of Assistance na kinabibilangan ng tulong pangkabuhayan at iba pang benepisyo para sa mga Former Rebels.

Winasak din ang walong isinukong armas upang matiyak na hindi na ito magagamit pa sa anumang karahasan.

Kabilang sa mga highlight ng summit ang Serbisyo Caravan, kung saan nakatanggap ang mga FRs ng iba’t ibang libreng serbisyo mula sa City Health Office sa pamumuno ni Department Head Lalaine Calonzo, tulad ng serbisyong medikal at dental, at iba pang serbisyo gaya ng Birth Pre-Registration at libreng gupit.

Layunin ng summit na mapalakas ang integrasyon ng mga dating rebelde (Former Rebels o FRs) sa lipunan at makapagbigay ng mga oportunidad para sa kanilang mas magandang kinabukasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *