Nasabat ang tinatayang Php855,000.00 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Baganipay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Boy” 19 anyos, residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang dalawang master cases ng Red Astro Cigarettes; limang master cases ng Red Royal Cigarettes; apat na red portland cigarettes; dalawang master cases ng assorted cigarettes; isang master case ng red canyon cigarettes at isang master case ng white d&j cigarettes.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro na walang iligal na aktibidad ang makakalusot na magdudulot ng anumang banta na nakaka-apekto sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa ating pamayanan.