Timbog ang isang aircon technician sa baril at mga bala sa ikinasang search warrant ng mga awtoridad sa Barangay Villamor, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang umaga ng Huwebes, ika-21 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nel”, 45 anyos, residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa bahay ng suspek ang isang unit ng .38 revolver, limang bala at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.
Nanawagan naman ang PNP sa iba pang may-ari ng baril na walang kaukulang dokumento na isuko sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang maiwasan na magkaroon ng kaso.