Nagtipon-tipon ang safety and security cluster sa Davao City para sa Send-Off Ceremony ng Pasko Fiesta sa Davao 2024 noong ika-26 ng Nobyembre na pinangunahan ng mga tauhan ng Davao City Police Office.
Kasama sa mga nakiisa sa kaganapan ang Bureau of Fire Protection, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), City Transport and Traffic Management Office (CTTMO), Police Auxiliary, at mga kinatawan ng force multipliers.
Bilang highlight sa okasyon, binasa ni Police Lieutenant Colonel Angel B Sumagaysay (Ret.), Head ng PSSO, ang mensahe ni Honorable Mayor Sebastian Z. Duterte, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng mga hakbang pang-seguridad para sa Pasko Fiesta 2024 at ang pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng buong komunidad.