Nagsagawa ng Food Processing Training Program ang Local Government Unit Cotabato sa  Arakan, Cotabato nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang naturang programa.

Umabot sa 70 kababaihan mula sa bayan ng Arakan na miyembro ng women’s associations sa Brgy. Datu Mantangkil, Doroluman at Sto. Niño ng nabanggit na bayan.

Tinuruan ang mga partisipante kung paano gumawa ng chorizo, siomai, sweetened banana, taro chips at ginger powder na maaaring makadagdag sa kanilang pagkakakitaan.

Labis naman itong pinasalamatan ng mga benepisyaryo dahil malaki ang maitutulong nito upang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kakayahan sa paghahanda ng ligtas at dekalidad na mga produktong maaaring maibenta sa merkado.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *