Bukas na ang mas maraming oportunidad para sa trabaho matapos ang pormal na paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng mga stakeholderโs para sa pagpapatupad ng JobStart Philippines, na nakatakdang ilunsad sa 2025.
Ang MOA ay nilagdaan noong Lunes, Nobyembre 25, 2024 sa Grand Conference Room ng Kapitolyo, kung saan nagsama ang Pamahalaang Panlalawigan, Department of Labor and Employment (DOLE), at Bureau of Local Employment (BLE) upang tiyakin ang matagumpay na pagsasakatuparan ng programa.
Ang mga benepisyaryo ng programa ay sasailalim sa 10 araw na Life Skills Training (LST), tatlong buwang Technical Training, at 2-3 buwang internship, kung saan mula sa simula ay makakatanggap ng sweldo.
Layunin ng programang ito na magbigay ng suporta sa mga kabataan, partikular ang mga out-of-school youth, upang matulungan magpatuloy sa kanilang personal at propesyonal na pag-unlad at makamit ang mas maginhawang kinabukasan.