Pinalakas ng Bangsamoro Women Empowerment General Assembly ng Local Government Unit ng Kidapawan City sa City Convention Center, Kidapawan City nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024.
Sa pamamagitan ng programang Advancing the Peoples Organization in Kidapawan through Innovation and Development of Social Capital o APOKIDS, matutulungan ng City Government ang United Bangsamoro Women Kidapawan City Federation na umunlad at maging self-reliant sa hinaharap.
Sasailalim ang grupo ng Kababaihang Moro sa orientation ng APOKIDS, kung papano maitatama at maitataguyod ang kanilang hanay at umunlad ang mga miyembro.
Bisita sa okasyon si dating Cotabato Governor Manny F. PiƱol, inihayag nito ang partnership kay City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, sa pagtatayo ng Halal Center sa lungsod para sa karneng baka na i-export patungo sa ibang bansa.
Layunin ng pamahalaan ng Kidapawan na maging matatag at lumakas pa ang sektor ng mga Kababaihang Moro sa lungsod.