Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek sa Barangay Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindano del Norte pasado 8:00 ng hapon noong ika-25 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang biktima na si Anowar Salim Buisan, 47 anyos, businessman at residente ng Raguisi, Sultan Kudarat.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP na habang nakatayo ang biktima kasama ang kanyang misis ay biglang dumating ang tatlong mga kalalakihan at pinagbabinaril ang naturang biktima at agarang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.
Personal grudge ang nakikitang dahilan ng Sultan Kudarat PNP sa naturang insidente.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pamilya ng biktima, natukoy na ng PNP ang mga suspek na ngayon ay patuloy na tinutugis upang managot sa batas.