Bilang bahagi ng kampanya para sa pagpapalakas ng disaster resiliency ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), isang pagpupulong o dayalogo ng mga opisyal mula sa 11 munisipyo ng Davao de Oro ang isinagawa nito lamang ika-4 ng Disyembre, 2024.

Dumalo mismo si Regional Director ng Office of the Civil Defense (OCD) XI, Mr. Ednar Dayanghirang, sa ginanap na aktibidad sa probinsya.

Matapos ang lektyur, binigyan ng pagkakataon ang bawat opisyal na ibahagi ang mga isyu na kanilang naranasan sa kanilang mga barangay at magbigay ng kanilang mga suhestiyon para sa mga solusyon. Pinangunahan ni RD Dayanghirang ang pagtalakay kasama ang mga opisyal at nagbigay ng mga komento upang matulungan silang mapabuti ang mga proyekto ukol sa disaster preparedness at resiliency sa komunidad.

Sa kabilang banda, nakipagtulungan din ang PDRRMO DDO sa OCD XI upang magsagawa ng simulation exercise o SIMEX kung sakaling pumutok ang Mt. Leonard Kniaseff.

Sa ngayon, may mga lokal na ordinansa nang binubuo na may kaugnayan sa mga polisiya sa disaster preparedness at resiliency na angkop sa probinsya, ayon kay PDRRMO Davao de Oro PG head Joseph Randy M. Loy.

Dagdag pa, ang mga ordinansang ito ay hindi lamang batay sa pamumuno ni Gov. Dotdot Montejo-Gonzaga, kundi pati na rin sa mga suhestiyon at kontribusyon ng mga stakeholders mula sa buong probinsya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *