Umabot sa 1,820 na COCROM na sumasaklaw sa 3,072.3839 ektarya, na may kabuuang halaga na P75,819,734.81, ang natanggap ng mga magsasaka mula sa Davao Oriental sa isinagawang programang Handog ng Pangulo: Sariling Lupa para sa nga Pilipino nitong Disyembre 5, 2024.

Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region XI ang naturang programa.

Layunin ng programang ito na mapabuti ang kalagayan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) o mga magsasaka sa buong Rehiyon XI.

Sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo program ang mga magsasaka ay nabigyan ng pagkakataon na ganap na maging mga lehitimong may-ari ng kanilang mga lupa, isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *