Tinalakay sa isinagawang Joint Meeting ng pamahalaan ng Cotabato na wakasan ang insurhensya at bahagi ng programa nito ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ginanap sa The Farm Carpenter Hill, Koronadal City, Cotabato nito lamang ika-6 ng Disyembre 2024. Naging kinatawan ni Gov. Lala Mendoza sa pagpupulong si PTF-ELCAC Focal Person Vilma Q. Mendoza, kung saan iprinisenta nito ang naging accomplishment ng lalawigan sa pagtataguyod ng lokal serbisyo caravan ngayong huling apat na buwan ng 2024.

Sentro rin ng pagpupulong ang updates hinggil sa DILG XII led series of convergence, transformation program plan of the provinces of South Cotabato, Sultan Kudarat, at Sarangani, Presentation of Resolutions and Agreements Reached, at iba pa.

Sa pagtatapos ng taong 2024, patuloy pa rin ang pagsisikap ng pamahalaan na mawakasan ang insurhensiya at bahagi ng programa nito ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na naghahangad na tugunan ang problemang kinakaharap ng mga conflict-affected communities sa buong bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *