Tiklo ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng ilegal na baril sa Virgo Subdivision, Rosary Heights 9, Cotabato City noong ika-8 ng Disyembre 2024. Kinilala ang suspek na si “Manuel”, 52 anyos, construction worker, na residente ng Governor Gutierez Avenue, Rosary Heights.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Station 2, naganap dakong 3:40 ng tanghali ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek matapos maaktuhan itong lasing at may dalang isang yunit na UZI MAC 10 9mm pistol at isang magasin na may limang bala.

Kasong paglabag sa R.A.10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng suspek. Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan upang makamit ang kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *