Masayang nagtipon ang mga Persons with Disabilities o PWDs mula sa ibat-ibang Barangay upang tumanggap ng Semi-Annual Stipend sa Learning Center ng LGU-Kidapawan City nito lamang ika-10 ng Disyembre 2024. Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, ang naturang aktibidad katuwang ang LGU Kidapawan City.
Umabot sa 216 ang mga benepisyaryo na indigent head of the family na nakatanggap ng nasa P3,000.00 na magagamit upang makabili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, gamot at bitamina. Nakiisa rin sa programa si PWD Head Louie Quebec, mga kasamahan nito sa Persons with Disability Affairs Office pati na rin ang mga representante mula sa City Social Welfare and Development Office.
Malaki naman ang pasasalamat ng lahat ng mga PWD’s na nakatanggap ng nasabing cash assistance, lalo pa at papalapit na ang araw ng Pasko.