Namahagi ng Pamaskong Handog sa isinagawang Thanks Giving Activity mula sa Office of the Vice President sa Bayan ng Arakan Municipal Gym nito lamang ika-11 ng Disyembre 2024.
Ipinaabot ni Vice President Sara Z. Duterte-Carpio, sa naturang aktibidad na dinaluhan ng kinatawan ni Gov Lala Mendoza na si Executive Assistant Jessie Enid, Jr., kasama sina Arakan Mayor Jeam Villasor at iba pang lokal na opisyales.
Abot sa 1,500 na mga Cotabateños, partikular na mula sa bayan ng Arakan ang binigyan ng maagang pamasko na naglalaman ng 10 kilo ng bigas, at canned goods.
Lubos naman ang pasasalamat ang mga benipisyaryo sa tulong na ipinaabot ng Office of the Vice President sa mga benipisyaryo na malaking tulong para sa nalalapit na kapaskuhan.