Muling umarangkada ang tuloy-tuloy ang paghatid ng libreng serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Iligan City sa isinagawang Iliganon Caravan sa Brgy. Suarez, Iligan City nito lamang ika-10 ng Disyembre, 2024.

Ang nasabing programa ay aktibong nilahukan ng Special Action Force, City Information Office, Task Force Iligan City,Social Security System,Philhealth at City Engineers Office.

Mahigit 250 benepisyaryo ang napasaya sa iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng seedlings, late birth certificate registration,libreng medical check-ups, dental services, livelihood,libreng foodpacks at iba pang health-related services para sa mga residente.

Layunin nito na maghatid ng dekalidad na serbisyo publiko sa mga residente ng Iligan City at mapabuti ang kabuhayan, kaligtasan, at kaayusan ng lungsod sa pamamagitan ng mga programang nakasentro sa mga pangangailangan ng komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *