Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga tauhan ng Bongao Local Government Unit sa Tubig Basag, Bongao, Tawi-Tawi noong ika-14 ng Disyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Bongao Local Government Unit, Youth at Kagawad ng nasabing Barangay katuwang ang mga kapulisan ng 1st Special Operations Unit–Maritime Group at Explosive Ordnance Disposal.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong ipakita ang pangangalaga at proteksyon sa komunidad at suportahan ang programang pangkalikasan sa paglilinis ng baybayin tungo sa pagkakaroon ng isang malusog at ligtas na komunidad.