Natanggap ng mga kwalipikadong senior citizen ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development Unit 12 ng Unclaimed Social Pension sa iba’t ibang bahagi ng bayan sa Cotabato nito lamang ika-16 ng Disyembre 2024.

Pinanguhan ng DSWD 12 katuwang ang LGU Cotabato sa pamamahagi ng Unclaimed Social Pension Payout. Natanggap ng 319 kwalipikadong Senior Citizen ang kani-kanilang tulong pinansyal mula sa Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12.

Ang mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Pigcawayan (64), Libungan (38), Aleosan (46), Antipas (33), Kabacan (70), at Tulunan (68) ay nakatanggap ng tig-P3,000.00 na ayuda na may kabuuang halaga na P957,000.00 na magagamit upang maibsan ang mga alalahanin, lalo na sa pinansyal na aspeto. Ang pamamahagi ay isinagawa upang maipaabot ang naturang ayuda sa mga kwalipikadong nakatatanda na hindi nakakuha sa itinakdang “schedule at venue” nito dahil sa mga hindi inaasahang sitwasyon o kadahilanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *