Sa patuloy na pagtataguyod ng kaligtasan at karapatan ng bawat miyembro ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa mga piling lugar sa Barangay Alip, Barangay Makat, Barangay Poblacion, at sa Datu Paglas Central Elementary School nito lamang ika-15 ng Disyembre 2024.

Pinangunahan ng mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang organisasyon ang makabuluhang diskusyon. Binigyang-diin ang mensaheng “Community Safety is Our First Priority,” na nagsisilbing paalala na ang isang ligtas na komunidad ay nagsisimula sa bawat miyembro nito.

Buong suporta ang ipinamalas ng mga residente ng mga nasabing barangay at ng mga mag-aaral at guro sa Datu Paglas Central Elementary School.

Aktibo rin ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor—mula sa mga kabataan, kababaihan, barangay officials, hanggang sa mga miyembro ng LGU, at Datu Paglas Municipal Police Station.

Ang kampanya ay naglalayong itaas ang kamalayan ng bawat isa laban sa karahasan sa kababaihan at hikayatin ang lahat na makiisa sa pagsusulong ng isang ligtas, pantay, at mapayapang komunidad.

Tampok sa programa ang mga talakayan ukol sa kahalagahan ng gender equality, ang mga hakbang upang maiwasan ang karahasan, at ang mga serbisyong maaaring ma-access ng mga biktima ng karahasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *