Nagsagawa ng Department of Tourism (DOT) Region IX ng Tourism Wellness Program para sa mga senior citizen sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-15 ng Disyembre 2024.
Naging matagumpay ang inilunsad na programa ng DOT IX sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, Department of Health, City Health Office, at ng Barangay Unit ng Bolong.
Nasa mahigit 80 senior citizens mula sa Brgy. Bolong ng nasabing lungsod ang naging benepisyaryo mula sa serbisyong inihatid ng naturang ahensya.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit ng ahensya ay ang medical assisstance, dental check-up, at ang pamamahagi ng ‘mobility aids’ tulad ng wheelchair, baston o tungkod, at walkers para sa mga matatanda.
Ang nasabing programa ay naglalayong masiguro na mabigyan ng access ang mga senior citizen sa mga de-kalidad na serbisyong pangkalusugan at pangangalaga mula sa mga bihasang healthcare provider ng lungsod.