Matagumpay ang pag turn-over ng Camiguin Women and Children Crisis Center sa Government Center, Lakas, Poblacion nito lamang ika 14 ng Disyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Ma. Corazon M Cimacio, DILG Camiguin Provincial Director katuwang ang mga personahe ng local na pamahalaan ng Camiguin.
Ang pasilidad na ito ay naglalaman ng mga modernong kagamitan upang matiyak ang seguridad at suporta para sa ating mga kababaihan at kabataang nangangailangan ng tulong.
Ang Camiguin Women and Children Crisis Center at ang CCTV system ay pinondohan mula sa mga premyong natanggap ng pamahalaang panlalawigan ng Camiguin para sa pagkapanalo sa 2022 at 2023 Seals of Good Local Governance.