Misamis Occidental – SIMEX o Simulation Exercise on Bomb Threat isinagawa ng mga awtoridad sa Plaridel Port, Barangay Southern Looc, Plaridel, Misamis Occidental nito lamang ika-9 ng Setyembre 2023.

Ito ay aktibong nilahukan ng Ozamiz Maritime Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Julie M Buac, Station Chief kasama ang Philippine Ports Authority – Plaridel Port; Plaridel Municipal Police Station; 1st Provincial Mobile Force Company; Philippine Coast Guard – Plaridel Sub-Station at EOD-K9 Misamis Occidental PECU.

Ang naturang SIMEX o Simulation Exercise on Bomb Threat na may scenario na “Unattended Baggage”.

Ang layunin ng aktibidad ay upang masukat ang kahandaan ng mga awtoridad sa mga ganitong uri ng senaryo lalong-lalo na sa mga matataong lugar at kung paano ang tamang pag-tugon sa mga ganitong pangyayari.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *