Sultan Kudarat – Todo bantay ang mga kawani ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Kalamansig PNP sa pagsunod ng mga rice retailers sa implementasyon ng Executive Order Number 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagtalaga ng Mandated Rice Price Ceiling sa bansa.

Sa ilalim ng EO No. 39, itinalaga ang Mandated Price Ceiling sa Regular Well Milled Rice (RWMR) sa Php41.00 kada kilo at Php45.00 kada kilo naman ang Well Milled Rice (WMR).

Magkatuwang ang mga personahe ng DA, DTI at PNP sa pag-inspeksyon sa mga tindahan ng bigas sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat upang masiguro na sinusunod ng mga negosyante ang kautusan ng Pangulo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *