Sultan Kudarat — Sumuko ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Brgy. Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Setyembre 9, 2023.

Napag-alaman na ang tatlo ay dating kasapi ng teroristang grupo mula sa Guerilla Front MUSA Far South Mindanao Region.

Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang mga sumuko at isinuko din ang isang homemade AK-47 assault rifle at isang yunit ng granada.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob para makasama ang kanilang sariling pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *