General Santos City- Umabot sa 500 benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang nabigyan ng tulong pinansyal sa dalawang barangay sa General Santos City nito lamang Setyembre 11 2023.
Pinangunahan mismo ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang pamamahagi ng Php2,000 sa mahigit 500 beneficiaries.
Pasasalamat naman ang tugon ng mga benipisyaryo at may pantustos sa mga kailangan sa araw-araw.
Naisakatuparan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa tulong ng 1Pacman Partylist sa pamumuno ni Cong. Mikee Romero at 1Pacman Representative Bobby Pacquiao.