Matagumpay na naisagawa ang Signing of Memorandrum of Agreement and Turn-Over Ceremony na ginanap sa BARMM READi, Bangsamoro Government Center, Maguindanao del Norte nito lamang ika-28 ng Disyembre 2024.



Ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kasama ang ibang opisyals ng PRO BAR na pinamununan ni Police Colonel Julius Cecil S. Ordoño, Officer-In-Charge, DRDA, na kumatawan kay Police Brigadier General Romeo J. Macapaz, Regional Director, PRO BAR.
Ang seremonya ay kinabibilangan ng pag- turnover ng pitong police patrol vehicles sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region at paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na nagpapakita ng dedikasyon ng rehiyon sa pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas para sa kapayapaan at seguridad.
Binigyang-diin ni MILG Minister MP Atty. Sha Elijah B. Dumama-Alba, na ang mga patrol vehicles ay mahalagang hakbang sa pagpapahusay ng kakayahan ng rehiyon sa pagpapatupad ng batas at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.
Samantala, ipinahayag ni PCol Ordoño, ang kanyang pasasalamat sa patuloy na suporta mula sa MILG at pamahalaan ng BARMM.
Aniya, ang mga patrol vehicles ay makabuluhang magpapalakas sa kakayahan ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.