Lokal na Pamahalaan ng Dapitan, nagsagawa ng CBDRM Training sa Barangay Health Workers Pinangunahan ng Disaster Risk Reduction and Management Council ng Dapitan City ang pagsagawa ng Community – Based Disaster Risk Management (CBDRM) training sa pakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Zamboanga del Norte noong Disyembre 28, 2024.
Naging partisipante dito ang Barangay Health Workers na gumawa ng Barangay Disaster Preparedness Plans sa naganap na training workshop.
Kabilang sa tinalakay sa aktibidad ay ang disaster preparation, response and rehabilitation na malaki ang maitutulong sa kanilang trabaho at sa panahon ng pangangailangan o emergency.
Maliban sa PDRRMO ay nakiisa rin sa training ang mga tauhan ng Department of the Interior and Local Government o DILG upang maibahagi ang tamang impormasyon sa mga partisipante.
Sa pamamagitan nito ay mas magiging madali para sa isang Local Government Unit o LGU ang pagsagawa ng nararapat na aksyon at pagkakaroon ng koordinasyon sa mga barangay.