Isinagawa ang isang makasaysayang Turn-Over Ceremony na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Davao, kung saan ipinagkaloob ang 38 bagong kagamitan na magagamit para sa disaster at emergency response sa buong lungsod nito lamang Disyembre 27, 2024.

Ang mga bagong kagamitan, kabilang ang mga sasakyan, trak, heavy equipment, at fiber boats, ay magiging malaking tulong sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Engineer’s Office (CEO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Transport and Traffic Management Office (CTTMO), Bureau of Fire Protection (BFP), Task Force Davao, at Davao City Police Office na may direktang kinalaman sa disaster response at public safety.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas modernong kagamitan, mas magiging epektibo ang mga ahensya sa kanilang mga operasyon, mula sa mabilis na pagresponde sa mga aksidente hanggang sa mga malawakang operasyon sa panahon ng kalamidad.

Ang layunin ay hindi lamang maiwasan ang mga sakuna, kundi mapangalagaan din ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Dabawenyo, lalo na sa panahon ng mga emergency.

Ang mga bagong kagamitan ay magsisilbing simbolo ng patuloy na pagpapabuti ng pamahalaan sa pagtiyak ng isang mas ligtas at mas handang komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *