Narekober ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril, bala, at iba pang armas sa isinagawang operasyon ng Ga otoridad noong ika-28 ng Disyembre 2024 sa Barangay Manaulanan, Tugunan, Special Geographic Area, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang operasyon ay isinagawa upang ihain ang warrant of arrest laban kay alyas “Daurin” sa kasong paglabag sa Tumults and Other Disturbances of Public Order sa ilalim ng Article 153 ng Revised Penal Code.
Nakatunog umano ang suspek, dahilan upang ito’y makatakas. Samantala, naaresto naman ang kapatid nito na si alyas “Noro” matapos maaktuhang nagdadala ng mga iligal na armas na walang kaukulang dokumento.
Kabilang sa narekober na armas mula kay alyas “Noro” ay M16 Rifle, M14 Rifle, Cal.50 Sniper Rifle, 7.62mm Sniper Rifle, Rocket-Propelled Grenade, Cal.45 Pistol, mga bala at magasin para sa iba’t ibang armas. Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, laban kay alyas “Noro.”
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kapayapaan at kaayusan ng ating bayan.