Ipinamahgi ang cash gift assistance ng Local Government Unit sa mga kwalipikadong miyembro ng Asenso Pinoy sa City Gym, Liposong Covered Court, Dimaluna New Covered Court at Tabid Old Covered Court, Ozamis City na ginanap nito lamang ika 29 ng Disyembre 2024.

Tiniyak ni Mayor Atty Indy Oaminal, Asenso Ozamis Team at Asenso Pinoy, na maipaabot ang mga Identification card at cash gift assistance sa mga hindi pa nakakatanggap na aabot sa mahigit 2,189 na benepisyaryo na galing sa ibat ibang mga barangay ng nasabing siyudad.

Ang Asenso Pinoy ay isang programa na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na Pilipino na umunlad sa buhay.

Ang mga pangunahing layunin nito ay ang pagbibigay tulong pinansyal upang makapagsimulang mag-negosyo,mag-aral at para makabili ng matatawag nilang sariling bahay.

Pag-aalok ng edukasyon upang matulungan na magkaroon ng mas magandang trabaho at pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *