Nakiisa ang Cagayan de Oro City Government sa paggunita sa ika-128 anibersaryo ng pagiging martir ni Dr. Jose Rizal nito lamang ika-30 ng Disyembre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay may temang, “Rizal sa Bagong Pilipinas: Buhay at Aral, Aming Nilalandas.” Kasama sa aktibidad ang executive wreath-laying sa Rizal monument, military honors at 21-gun salute para sa pambansang bayani kasama ang local Knights of Rizal chapter sa dumalo.

Ayon kay Edgar Cabanlas, Council Majority Floor Leader, na pinahahalagahan ng City Hall sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Klarex Uy, ang pananaw ni Rizal para sa pagbuo ng isang mas matatag at mas nagkakaisang Pilipinas.

Aktibong nakilahok ang mga opisyal ng City Hall, mga tagapamahala ng departamento at mga empleyado upang parangalan ang kabayanihan ni Rizal kasama si Council Majority Floor Leader, Edgar Cabanlas, na naghatid ng mensahe sa ngalan ni Cagayan de Oro City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy. Sa ngalan ni Mayor Klarex, nanawagan si Councilor Cabanlas sa mga Kagay-anon na sundin ang hamon ni Rizal sa mga susunod na henerasyon na itaguyod ang mga karapatan at halaga ng isang malaya at maunlad na bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *