

Ang Ayesha Cafe Hub ay isang uri ng kapihan o tambayan na nag-aalok ng mga masasarap na kape at mga pagkain. Ito ay isang kombinasyon ng kapihan at pampublikong espasyo na maaaring bisitahin ng mga tao upang mag-aral, magtrabaho at makipagkuwentuhan at mga taong gustong mapag-isa at makapagmuni-muni.


Ito ay matatagpuan sa second floor, 4th Street, Nazareth, Cagayan de Oro City.
Nag-aalok ito ng mga komportableng upuan tulad ng mga sofa, mga malalaking lamesa para sa grupo, mga pribadong espasyo para sa mga nais ng tahimik na oras at minsan ay may tintatawag na ‘al freso’ o labas ng bahagi.
May wifi sa halagang Php100.00 para sa 12 oras at libreng refill ng brewed coffee.
Makakapili ka rin ng mga pagkain at inumin at hindi lang kape at tsa-a kundi pati na rin ang mga pagkaing angkop sa iba’t ibang panlasa.
Ngunit ang cafe hub na ito ay may menu na binabalik-balikan ng mga mamimili, ito ay ang kanilang masarap na Fish Pater na gawa sa “smoked fish” kasama ang isang cup ng rice sa halagang Php49.00. Tila napakasarap tumambay sa lugar na ito di po ba?
Nakapagrelax kana, nabusog kapa at nakainom ng masarap na kape at higit sa lahat nakatapos pa ng gawain sa isang magandang lugar.