Pormal nang sinimulan ang Private Schools Athletic Association o (PRISAA) 2025 Regional Games sa Lungsod ng Valencia, Bukidnon at nagtipon-tipon ang mga atleta mula sa iba’t ibang paaralan sa Rehiyon X nito lamang ika-8 ng Pebrero 2025.

Lumahok sa kompetisyon ang 24 na paaralan mula sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Gingoog City, Ozamiz City, Iligan City, Lanao del Norte/Sur, at lalawigan ng Bukidnon.

Mainit ding tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ang mga delegado sa pangunguna ni Marven Selecios, Executive Assistant IV, sa opening program na ginanap sa San Agustin Institute of Technology o (SAIT).

Ipinahayag din ni Selecios, ang buong suporta ni Mayor Azucena “Sunny” Huervas sa nasabing kaganapan.

Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga atletang mag-aaral upang ipakita ang kanilang husay sa sports, mapanatili ang malusog na pangangatawan, at mapaunlad ang disiplina.

Bukod dito, napakalaking papel ang ginagampanan ng PRISAA Regional Games sa pagsulong ng Lungsod ng Valencia bilang Meetings, Incentives, Conferences at Exhibits o (MICE) Capital ng Bukidnon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *