Libu-libong trabaho ang inalok sa isinagawang Trabaho sa Bagong Pilipinas Mega Job Fair Caravan na ginanap sa Atrium ng Tagum City Hall nito lamang Pebrero 15, 2025 kung saan ay dinaluhan ito ng mahigit 3,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa buong lalawigan ng Davao del Norte.
Nanguna sa naturang aktibidad si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Layunin nito na matulungan ang mga miyembro ng 4Ps na malapit nang magtapos sa programa sa paghahanap ng trabaho at karagdagang kabuhayan.
Nagbigay din ng pagkakataon ang caravan na ito sa ating mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto.
Pinangunahan ito ng Opisina ng Pangulo sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), at ng Lokal na Pamahalaan ng Tagum.
