Davao City- Naging benipisyaryo sa isinagawang community outreach program ang 350 Ata Manobo members sa Brgy. Colosas, Paquibato District, Davao City nito lamang Oktubre 3, 2023.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Gng. Oliva A. Acorda, Adviser PNP Officers Ladies Club (OLC), at sa pakikipagtulungan ng Police Regional Office 11 sa pangunguna ni Police Brigadier General Alden B Delvo, Regional Director.

Ang Outreach Program ay naglalayong magbigay ng libreng serbisyo sa mga benepisyaryo na kinabibilangan ng Dental Check-up, OB GYNE consultation para sa kababaihan, libreng tuli, libreng gupit, pamamahagi ng food packs, school supplies, Vitamins, Medicine, at feeding program.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni Barangay Capt. Antonio Bellera ng Barangay Colosas, Paquibato District, kasama ang humigit-kumulang 350 benepisyaryo mula sa Ata Manobo Tribe na nagpapasalamat sa lahat ng serbisyo na kanilang natanggap.

Ang Officers Ladies Club Community Outreach Program ay nakatuon sa paggawa ng positibong epekto sa mga komunidad na nangangailangan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon at dedikasyon ng mga miyembro nito, ang programa ay patuloy na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo at suporta sa mga taong higit na nangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *