Sulu— Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan nito lamang Setyembre 29, 2023 sa probinsya ng Sulu.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Jims”, “Amin”, “Juksin”, at alyas “Pugus”, pawang miyembro ng ASG na nag-o-operate sa naturang probinsya.

Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga ASG members ang dala nilang mga matataas na armas at mga bala.

Patuloy ang pamahalaan sa pananawagan sa mga natitira pang miyembro ng teroristang grupo na sumuko upang makamtan ang kaunlaran at kapayapaan ng ating inang bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *