Tawi-tawi – Tatlong loose firearms ang isinuko ng tatlong residente sa mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Sitangkai, Tawi-Tawi nito lamang Setyembre 29, 2023.

Hindi na pinangalanan ang mga residenteng nagsuko ng mga baril na pawang nakatira sa Sitio Ponduhan Pangutaran, Barangay South Larap, Sitangkai, Tawi-Tawi.

Nabatid na ang mga isinukong armas ay dalawang M1 Garand rifles, isang Cal .45 pistol with magazine, isang KG9, at 16 rounds ng live ammunition ng M1 Garand rifle.

Nananawagan ang mga awtoridad sa sinumang residente na may baril pero walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang tanggapan upang makaiwas sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *