South Cotabato – Arestado ang isang itinuturing na High Value Individual (HVI) na nagresulta sa pagkasamsam ng ilegal na droga at baril sa umiiral na COMELEC gun ban sa Koronadal City, South Cotabato nito lamang Oktubre 2, 2023.

Kinilala ang nahulihan ng baril, bala at ilegal na droga na si alyas “Pantat”.

Narekober sa suspek ang isang yunit ng 12 Gauge Shotgun na may kasamang isang bala, mga drug paraphelnalia at limang gramo ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang halaga na Php34,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa COMELEC Gun Ban, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165.

Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *