Nasa 28 kwalipikadong senior citizen mula sa Cagayan de Oro City ang nakatanggap ng ₱10,000.00 cash benefit mula sa Pamahalaang National sa pamamagitan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) bilang bahagi ng Nationwide Inaugural cash gift distribution nito lamang Pebrero 26, 2025 sa SM City Uptown, Cagayan de Oro City.

Alinsunod ito sa Republic Act 11982 o ang Expanded Centenarians Act of 2024. Ayon sa batas, makakatanggap ng ₱10,000 cash gift ang mga senior citizens na umabot sa 80 at 85 taong gulang (octogenarians) at 90 at 95 taong gulang (nonagenarians) bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lipunan.

Sa pamamagitan ni Atty. Yenyen O. Empinado-Alabe, ipinaabot ni City Mayor Rolando “Klarex” Uy, ang kanyang mensahe ng pasasalamat at pagkilala sa mga senior citizens na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at suporta sa kaunlaran ng lungsod.

Dumalo rin sa programa ang mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH), PhilHealth, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbigay ng suporta.

Bilang bahagi ng inisyatibo, nagsagawa rin ang City Health Office ng libreng medical consultation at pamamahagi ng gamot para sa mga benepisyaryo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *