Iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region XI sa Davao Oriental ang PaNaTa Ko sa Bayan Awards bilang pagkilala sa kanilang pinahusay na kontribusyon sa pagpapabuti ng mga serbisyong panlipunan at mga programang pangkaunlaran nito lamang ika-27 ng Marso, 2025.

Tinanggap naman ang nasabing parangal ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Juvy Bonita Abarca, na nagrepresenta kay Governor Niño Uy.

Bilang karagdagan, pinarangalan din ang probinsya ng Gawad Serbisyong Matapat bilang pagpapahalaga sa tapat na serbisyo na ibinibigay sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, nakatanggap din ang Pamahalaang Lungsod ng Mati ng parangal sa siyam na iba’t ibang kategorya na personal namang tinanggap ni Mayor Michelle Nakpil Rabat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *