Inilunsad ng City Education and Development Office (CEDO) ang Day 1 ng Scholars Cup sa Xavier University Gymnasium, Cagayan de Oro City nito lamang Marso 29, 2025.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga iskolar ng lungsod mula sa iba’t ibang cluster/barangay ng lungsod.

Pinangunahan ni Sangguniang Kabataan Federation President Kenneth John Sacala ang Pledge of Sportsmanship, habang ang Most Valuable Players mula sa Scholars Cup noong nakaraang taon ang nanguna sa torch lighting ceremony.

Ang kaganapan ay naglalayong pagyamanin ang pakikipagkaibigan, sportsmanship, at pagtutulungan sa mga iskolar ng lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *