Namahagi ng 10 baka ang Cagayan de Oro City Agriculture Office sa mga magsasaka sa pamumuno ni Mayor Rolando Klarex Uy nito lamang ika-28 ng Marso 2025.
Ang mga benepisyaryo ay ang Magayad Higaonon Integrated Abaca Farmers Association (MAHINAFA); Man-ai Integrated Agro-Forestry Farmers Agriculture Cooperative (MINAFFA); Bankers Farmer Irrigation and Communal Water System Association (BAFICWAS); Balongkot Tribal Integrated Farmers Association; Bulua Farmers Association; Taglimao Irrigators Farmers Association, Inc.; Tuburan United Farmers and Consumers Coop.; Tumpagon Upland Farmers Association; Sinunop Farmers Association, at Mosoboso ECCG Garfish Association.

Ayon kay Engr. Paterno Gonzales, Department Manager, malaki ang maitutulong nito sa mga magsasaka sa kanilang gawain sa pagsasaka, lalo na sa matatarik na bahagi ng bukirin kung saan hindi kayang gamitin ang makinaryang pangsaka.
Magagamit ang mga baka sa pag-aararo ng lupa bago magtanim at sa pagdadala ng kanilang mga produkto mula sa bukirin.
Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa pamahalaan sa patuloy na pag-aalaga sa mga magsasaka at sa pagbibigay ng kaginhawaan sa kanilang kabuhayan.
