Ipinagdiwang ang Women’s Congress 2025 sa pangunguna nina City Mayor Erick G. Cañosa at Cong. Christian S. Unabia katuwang ang suporta ni Gov. Peter M. Unabia nito lamang ika-30 ng Marso 2025.

Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod at unang distrito ng Misamis Oriental.
Sa okasyong ito, may iba’t ibang paligsahan at aktibidad na inihanda para sa mga kalahok.
Sa pamamagitan ng Women’s Congress, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na magtulungan at magbahagi ng kanilang mga karanasan at maging malaking bahagi ng pag-unlad ng komunidad.

Patuloy ding ipinapaabot ng administrasyon ang angkop at tamang mga programa at proyekto para sa kanila bilang suporta sa kanilang mga pangangailangan.
Kabilang sa mga lumahok sa selebrasyon sina Vice Mayor Tadoy Lugod, Kagawad Evelyn Cañosa, Kagawad Jerome Magan, Kagawad Bebot Villahermosa, Kagawad Roy Aniscal, Kagawad Rodrigande Miole, Kagawad Anjun Gomez, Kagawad Judeline Bernaldez, SK Federation President Jonnel Clemeña, BM Rey Buhisan, Vice Mayor Rommel Maslog, dating SK Federation President Fatima Grace Guanzon, Engr. Jam Militante, Ms. Bing Dumadag, Ms. Marianne Chan, CSWDO Joni Eseos kasama ang kanyang staff, CSWD Women’s Focal Nova Tuto, at iba pang mga personalidad.
Ang taunang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa R.A. 6949 o ang paggunita ng National Women’s Month, na naglalayong itaguyod at protektahan ang karapatan ng mga kababaihan, isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at kilalanin ang natatanging kontribusyon sa komunidad.
