Ipinamahagi ang umabot sa 1,260 food packs ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro sa mga residente ng Mabini, Davao de Oro nito lamang ika-27 ng Marso 2025.
Nagbigay din ng mahigit 200 na manok ang Provincial Veterinarian’s Office sa Prk. 3 Mangurayan upang maging kabuhayan ng mga residente.

Kasama sa ipinamahagi ang mga bitamina, antibiotics, at dewormer upang matiyak na mabubuhay ang mga manok.
Ang mga serbisyong ito ay bahagi ng programang Tunol serbisyo at nakiisa din at nagbigay seguridad ang PNP at AFP upang matiyak na payapa at maayos ang naturang aktibidad.
Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao De Oro na siguruhin ang pagbibigay ng tulong sa lahat ng mga residenteng nangangailangan ng tulong tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
