Patay ang tinaguriang leader ng Madanlo Criminal Group na may patong-patong na kaso matapos manlaban sa mga awtoridad nito lamang ika-27 ng Marso, 2025 sa Campo 1 District, Barangay Sainz, Mati City, Davao Oriental.

Kinilala ang suspek na si alyas “Abay”, isang National Level Most Wanted Person dahil sa patong-patong na kaso nito na may kaugnayan sa pagpatay.

Ayon sa report ng PNP, nanlaban ang suspek gamit ang kanyang caliber .45 na baril na nagtulak sa mga otoridad na gumanti ng putok at nagtamo ng sugat ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang dinala ang suspek sa Davao Oriental Provincial Medical Center, ngunit idineklarang patay matapos ang ilang oras ng medikal na interbensyon.

Patuloy ang PNP sa mandato na panatilihing maayos at tahimik ang ating pamayanan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *