Tinatayang Php15,240,000.00 halaga ng puslit na yosi ang narekober sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Piraka, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte nito lamang Marso 26, 2025.
Kinilala ang mga suspek na si alyas “Al” lalaki at si alyas ” Bayan”, pawang mga residente ng nasabing barangay.
Narekober ang mga kahon ng sigarilyo mula sa loob ng isang bahay at tumambad sa PNP ang 190 kahon ng New Aris (red) at 191 kahon ng King Perfect.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10643 o Government Health Warning at RA 8293 o Intellectual Property Code ang mga suspek.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro na walang anumang iligal na aktibidad ang makakalusot at magbigay ng anumang pinsala at problema sa komunidad.