Handog ng Cagayan Cagayan de Oro City Local Government Unit sa pangunguna ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, kasama ang kanyang Chief of Staff, ang isang bagong sasakyan para sa City Explosive Ordnance Disposal and Canine (EOD/K9) Group noong ika-27 ng Marso 2025.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant (PSMS) Elmer A. Mabaylan, ang Supply Officer ng EOD/K9 Group, ang sasakyan ay magsisilbing malaking tulong para sa kanilang operasyon.

Customized ang interior ng sasakyan na may mga secure na storage compartments na magagamit para sa ligtas na pag-iimbak ng mahahalagang kagamitan tulad ng mga dokumento, tactical equipment, at iba pang operational tools na ginagamit sa mga misyon.

Ang turnover ay dinaluhan ng ilang mga lokal na opisyal mula sa Cagayan de Oro, kabilang na ang iba pang mga miyembro ng pamahalaang lokal.

Inaasahan na ang bagong sasakyan ay makakatulong sa pagpapalakas ng kapasidad ng PNP EOD/K9 Group sa pagtugon sa mga panganib at banta sa kaligtasan ng komunidad.

Ang proyekto ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na magsuporta sa mga ahensya ng gobyerno upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa buong lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *