Isinagawa at patuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalaang lokal ng Iligan City sa Ka-Asenso Karavan na ginanap sa Barangay Upper Hinaplanon, Tibanga, at Tubod, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang ng Marso 26, 2025.
Ang aktibidad ay kaugnay sa selebrasyon ng International Women’s Month na pinangunahan ng GAD katuwang ang Sarimanok Virtual Law Clinic at Skinlogics Wellness and Beauty Center.
Umabot sa 477 na mga kababaihan ang napangaralan ng GAD patungkol sa mga karapatan at nabigyan ng kaalaman tungkol sa mga batas tulad ng Violence Against Women and Children o (VAWC) at Anti-Bastos Law.
Tinuruan din kung ano ang dapat na gawin sa panahon ng kalamidad.
Nagbigay din ng legal consultation para sa mga nakaranas ng pang-aabuso at notarial services.
Bukod dito, libreng nail art at eyebrow trimming ang handog para sa mga kababaihan.
Mayroon ding libreng facial wash, eyelash extensions, at body massage.
Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kababaihan na kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at para maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pang-aabuso tungo sa ligtas, t maunlad na bansa.