Ipinagdiwang ang Rabies Awareness Month na pinamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga na idinaos sa Don Gregorio Evangelista Memorial School sa Brgy. Sta Catalina, Zamboanga City nito lamang ika-26 ng Marso 2025.
Kabilang sa mga isinagawa sa nasabing programa ay ang libreng anti-rabies vaccination drive at film viewing patungkol sa rabies awareness para sa mga mag-aaral ng naturang paaralan.
Iilan din sa mga aktibidad na inilatag ng Office of the City Veterinarian ay ang mga kampanya sa pagsulong ng rabies vaccination, responsableng pet ownership, at maagang medical intervention para maprotektahan ang mga miyembro ng pamilya at mga alagang hayop mula sa naturang sakit na may temang “Rabies-free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino.
