Dumating na sa bansa ang Bangsamoro Pride na si Alhafidz Muzaher Suwaib matapos itong magwagi bilang Top 1 International Qur’anic Memorization Competition na ginanap sa Jordan noong March 24,2025.
Malugod na sinalubong ng mga kaanak, kasamahan sa Qur’an Memorization Groups at mga ustadz si Alhafidz Muzaher sa kanyang pagdating mula sa Jordan sa General Santos International Airport nito lamang Marso 29, 2025.

Mula sa 57 kalahok na nanggaling sa iba’t ibang bansa ang 18 years old na ang nagwagi sa naturang kompetisyon.
Isang tagumpay at karangalan ang handog sa ating bansa, patunay na pang world-class ang talento ng ating kapatid na Muslim.