Umarangkada ang Oplan “Katok ng Biyaya” sa Barangay Maul Ilian, Marantao, Lanao del Sur noong ika-29 ng Marso 2025.

Pinangunahan ng mga estudyante ng Torel, Maruhom Qa’dhe Islamic School, katuwang ang Lanao del Sur Police Provincial Office, ang pamamahagi ng tulong sa mga residente.

Namahagi ang naturang grupo ng food packs, school supplies, at iba’t ibang pangangailangan upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong maghatid ng tulong sa mga nangangailangang pamilya sa komunidad.

Bukod dito, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng tatlong sako ng bigas at iba’t ibang grocery packs na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.

Ipinahayag ng mga residente ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga nagsagawa ng programa, na nagsilbing inspirasyon sa kanila upang patuloy na magsikap sa kabila ng hamon ng buhay.

Ang Oplan “Katok ng Biyaya” ay patuloy na isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng Lanao del Sur bilang bahagi ng mas pinaigting na programa ng Lanao del Sur PNP at mga kasamahang organisasyon upang mapalakas ang ugnayan sa komunidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *